Blogs

Emosyonal na liham ng isang anak para sa ama nito na may bago ng pamilya, nagpaluha sa mga netizens!

Ang pagkakaroon ng isang buo at masayang pamilya ay maituturing ng biyaya, lalo na sa mga taong lumaking hindi naranasan ang alaga at pagmamahal ng kanilang sariling ama at ina.

Hindi basta basta matitimbang ang bigat sa dibdib ng mga anak na siyang lubos na naaapketuhan ng ganito kalungkot na pagkakataon.

Ito na marahil ang dahilan kaya maraming netizens ang napaluha ng mabasa ang mensahe ng isang anak para sa kanyang ama na may bago na pamilya.

Ika nga ng isang netizen, “I’d never imagine that a “LOVE letter” could be this painful, soooo heart shattering.”

Isang liham ng pamamaalam sa kanyang tatay na bagamat sumama na sa iba ay punong-puno pa rin ng pagmamahal.

Mababasa rin dito na ito raw marahil ang huling sulat ng anak sa ama sa kadahilanan na baka maka-apekto pa ito sa bagong pamilya ng ama.

“last napo itong love letter na ito pa promise hindi nako mang gugulo sa happy family nyo kase baka maging! sad family pa kayo”

Halata man sa sulat kamay na nasa murang edad pa lang ang bata ngunit bakas na agad sa liham nito ang malawak na pang unawa.

SuperMom | Facebook

Marahil isa sa mga pinaka apektadong netizen ay si Fhaza, kung saan ibinahagi nito ang sarili niyang karanasan sa mga anak,

“I don’t know how to say this….pero i know ramdam to nang mga anak ko…..and im sorry for that kung naging broken family tau….its been 10 yrs but still i cant find the answers to those questions……BAKIT NYA TAU INIWAN Mhie…..i hope someday mapatawad nila ung ama nila but i know ung pangungunila ng mga anak ko for having a father is d matutumbasan ng salitang sorry……” – Fhaza

SuperMom | Facebook

Ganun din ang naging hinaing ni Aprilyn, nang mangulila sa ama ang mga anak nito. Ayon sa kaniya, limang taon silang naghiwalay ng asawa ngunit buti na lang ay napagtanto nito na higit na mahalaga kaysa kanino man ang kanilang pamilya.

“Sa lahat talaga Ng mga naghihiwalay mga anak ung sobrang apektado ganyan din mga anak ko mahigit limang taon d Wala kmi communication Ng papa nila kc naghanap iba ung papa nila there’s a lot of time na sinasabi Ng mga anak ko na di daw Sila love papa nila bkit daw ganito ganyan at di q Rin akalain na magiging ok pa ulit kmi for now planning kami Ng Asawa ko umuwi sa province at super tuwa Ng mga anak nmin na naging ok ulit family nmin..Minsan need lng ma realize Ng partnEr natin ang halaga Ng pamilya..” – Aprilyn

Paalala naman ng Facebook page na SuperMom na siyang nagbahagi ng litrato ng liham ng bata ay mahalin ang mga anak kahit may iba ng pamilya o kinakasama. Dahil iwanan man sila ay hinding hindi mapapalitan ng anak ang magulang nila.

Source: SuperMom | Facebook

Menkent M. Buhain

Recent Posts

Graham Bars Craze: The No-Bake Treat Captivating Everyone!

Photo by: Pinoy Style Recipe Graham Bars Craze are a fun and portable version of…

3 months ago

Street Food Sentation Diwata Pares, Arestado

MAYNILA -- Arestado ang food sensation na si Diwata Pares o Deo Balbuena sa totoong…

8 months ago

The Ultimate Guide to Building a Profitable Food Business in the Philippines (2024 Edition)

Introduction Welcome to "The Ultimate Guide to Building a Profitable Food Business in the Philippines…

11 months ago

Cooking up Tradition: The Best Chicken Adobo Recipe

Adobo is a popular dish in Filipino cuisine that has gained recognition worldwide. It is…

2 years ago

Top 12 Filipino Food to Eat During Holy Week: A Guide to Traditions and Customs

In the Philippines, Holy Week is one of the most significant religious observances of the…

2 years ago

Classic Tinolang Manok Recipe

Tinolang Manok Recipe (Chicken Tinola) is a popular Filipino dish that has been enjoyed by…

2 years ago

This website uses cookies.