Blogs

Silipin Ang ID Ng Kauna-unahang Empleyado Ng Unang Jollibee Branch

  • Trending sa social media ang unang employee ID ng sikat na fast food restaurant sa bansa na Jollibee
  • Masaya ang netizens na makilala ang unang empleyado ng minamahal nilang kainan simula pagkabata
  • Dahil sa larawan, binalikan ng ilang nakatrabaho ang alaala nila kasama ang unang empleyado ng Jollibee
  • Makikita sa ID ng empleyedo ana siya ang kauna-unahang empleyedo ng Jollibee (75-0001)

Hindi naman maitatanggi na ang pinakasikat na kainan sa bansa ay ang fast food restaurant na Jollibee. Mapabata o matanda ay talaga namang hinahanap-hanap ang kanilang mga pagkaing tulad ng Chicken Joy, Jolly Spaghetti, at Jolly Crispy Fries.

JOLLIBEE’S CRISPY FRIES IS NOW AVAILABLE IN BUCKET!

Dahil sa tagumpay, hindi na lamang sa Pilipinas matitikman ang mga pagkaing handa ng pinakasikat na bubuyog sa Pilipinas, kung hind imaging sa iba’t ibang panig na rin ng daigdig.

Pero sabi nga nila, wala nang mas sasaya pang balikan ang mga simple at unang araw ng isang negosyo. Ito ang dahilan kung bakit trending sa social media ang larawang nire-upload ng Facebook page na Filipinas kung saan makikita ang kauna-unahang ID ng unang empleyado ng unang branch ng Jollibee sa Cubao.

Kita sa larawan ang ID ni Primo P. Bangero na mayroong employee number na 75-0001 na nangangahulugang unang empleyado noong taong 1975, ang taon kung kailan nagsimula ng negosyo ang engineering graduate na si Tony Tan Caktiong.

“Here is the work ID of Primo P. Bangero. He was the first employee of Jollibee in Cubao, Quezon City, in front of Coronet Theater in 1975,” caption ng Filipinas page sa kanilang upload na sa kasalukuyan ay mayroon nang 16,000 reactions, 200 comments, at 1, 100 shares.

Isang netizen namang nagngangalang Gregg R. Apolonio Jr. ang nagsabi na nakatrabaho niya si Mang Primo na nasa ID. Kuya Prime daw ang tawag nila rito at talaga naman daw mabait ito, masipag, at talagang bagay sa kanya ang pangalan niyang “Primo” o “Prime.

“It was a pleasure meeting and knowing Kuya Prime (as fondly called). He is already in Jollibee Hildalgo, I’m already Crew then at Jollibee SM Cubao. Very “Kuya”, soft spoken, napakasipag, and deserving to be the #1 Employee of Jollibee! Tamang tama sa name niyang PRIMO o PRIME,” pahayag ng netizen.

Paglilinaw naman ng page, maaari daw na hindi pa Jollibee ang negosyo ni Tan Caktiong ay empleyado na nito si Mang Primo. Matatandaan kasing nag-umpisa ang Jollibee bilang isang ice cream parlor bago naging isang restawran.

Menkent M. Buhain

Recent Posts

Graham Bars Craze: The No-Bake Treat Captivating Everyone!

Photo by: Pinoy Style Recipe Graham Bars Craze are a fun and portable version of…

3 months ago

Street Food Sentation Diwata Pares, Arestado

MAYNILA -- Arestado ang food sensation na si Diwata Pares o Deo Balbuena sa totoong…

9 months ago

The Ultimate Guide to Building a Profitable Food Business in the Philippines (2024 Edition)

Introduction Welcome to "The Ultimate Guide to Building a Profitable Food Business in the Philippines…

11 months ago

Cooking up Tradition: The Best Chicken Adobo Recipe

Adobo is a popular dish in Filipino cuisine that has gained recognition worldwide. It is…

2 years ago

Top 12 Filipino Food to Eat During Holy Week: A Guide to Traditions and Customs

In the Philippines, Holy Week is one of the most significant religious observances of the…

2 years ago

Classic Tinolang Manok Recipe

Tinolang Manok Recipe (Chicken Tinola) is a popular Filipino dish that has been enjoyed by…

2 years ago