Blogs

Anak, naiyak ng malaman ang dahilan kung bakit hindi sumasabay sa kanila ng hapunan ang kanilang ama

Viral ngayon ang video ng isang tatay na kumakain magisa na tanging bagoong na may sibuyat at toyo lang ang ulam.

Naantig ang netizen na si Aldi Relqno ng kanyang madiskubri ang sekreto ng kanyang ama. Hindi umano sumasabay ng hapunan sa kanilang magkapatid ito at ang laging sinasabi nito sa kanila ay busog pa ito.

Kaya madalas hindi nila nakakasabay sa pagkain ang kanilang ama. Ngunit dahil nagduda rito si Aldi kaya naman minanmanan niya ang kanyang ama.

Napag-alaman niya na tuwing disoras na pala ng gabi kay kumakain itong mag-isa.

Credits to : Aldi Relqno / facebook

VIRAL Ngayon (tatay na kumakain magisa)

Kinuhanan ito ng video ni Aldi upang maibahagi sa social media ang sakripisyo ng kanilang dakilang ama. Para umano nakakain sila ng maayos ay pinapaubaya ng kanilang tatay na kumakain magisa sa kanilang magkapatid ang kanilang ulam.

Kwento ni Aldi, nagbangga ang kanyang ama noong Marso. Sa pangyayaring iyon, napilay umano ang kanyang tatay. Nararamdaman niya ang paghihirap nito sa paglalakad ngunit wala silang narinig na reklamo mula sa kanilang tatay.

Kaya naman nadudurog ang kanyang puso nang mapag-alaman niya ang sakripisyo ng ama. Nagtitis pala ito sa ulam na bagoong na may sibuyas at sinasahugan naman ng toyo ang kanin nito.

Ipinagmalaki niya online ang sakripisyo ng tatay para sa kanilang pamilya. Aniya, ramdam niya ngayon ang pagmamahal ng kanilang tatay para sa kanila.

Credits to : Aldi Relqno / facebook

“Si papa Kasi nasagasahan ng truck noong MARCH 18, 2021 na Hanggang Ngayon ay Wala pang nangyayari sa kanyang Kas0 Ang pag ka alam ko ay di pa tapos mag-aanim na buwan na Hanggang ngayon Halata ko Kay papa na hirap syang kumilos dahil sa kanyang pilay na hindi pinapahalata sa Amin mag kapatid,” saad sa post ni Aldi.

Maraming netizen ang naantig sa video na ibinahagi ng binata.Marami ring magulang ang nakarelate sa sakripisyo ng ama dahil lahat umano ay gagawin at kakayanin ng magulang para sa kanilang anak.

Basahin ang kanyang buong post:

“Ang Tatay kong Palihim kung Kumain.”Ganito pala ginagawa ni papa pag tulog na kami, Kumakain sya ng hating gabi. Tuwing hapunan Hindi sya sumasabay saamin, laging tapos na o busog pa daw. Kaya pag kakain na kami sya lang wala, Yun pala sa gabi sya Kumakain.
Dahil pinapaubaya nalang saamin ang ulam, Laging syang bumabangon tuwing ganitong oras hinahayaan ko pero nakaraang gabi sinundan ko sya na hindi alam. Tumulo luha ko nung Nakita ko sya na Kumakain na Ang ulam ay BAGOONG AT SIBUYAS kinuhanan ko ng video ng hindi nya alam para I post ko sa FB si papa Kasi nasag4sahan ng truck noong MARCH 18, 2021 na Hanggang Ngayon ay Wala pang nangyayari sa kanyang Kas0 Ang pag ka alam ko ay di pa tapos mag-aanim na buwan na Hanggang ngayon Halata ko Kay papa na hirap syang kumilos dahil sa kanyang pilay na hindi pinapahalata sa Amin mag kapatid sana po tulungan nyo ako na iparating Kay sir RAFFY TULFO Ang problema ng aking tatay sobrang naawa napo ako sa tatay ko.ako man din ay Hindi na Makapag enrol s college dahil walang pera Hindi Makapag trabaho si papa.Hindi na ako naka pag-enroll dahil sa aksid3nte na nangyari sa tatay ko Isa po syang OFW Ngayon Malabo na sya makabalik dahil BALI ANG KANYANG KANANG KAMAY. Maraming salamat po sana ay matulungan nyo po kami na makarating Kay sir RAFFY TULFO, Na ang hangad po namin ay hust!sya Hindi pera.

Menkent M. Buhain

Recent Posts

Graham Bars Craze: The No-Bake Treat Captivating Everyone!

Photo by: Pinoy Style Recipe Graham Bars Craze are a fun and portable version of…

2 months ago

Street Food Sentation Diwata Pares, Arestado

MAYNILA -- Arestado ang food sensation na si Diwata Pares o Deo Balbuena sa totoong…

7 months ago

The Ultimate Guide to Building a Profitable Food Business in the Philippines (2024 Edition)

Introduction Welcome to "The Ultimate Guide to Building a Profitable Food Business in the Philippines…

10 months ago

Cooking up Tradition: The Best Chicken Adobo Recipe

Adobo is a popular dish in Filipino cuisine that has gained recognition worldwide. It is…

2 years ago

Top 12 Filipino Food to Eat During Holy Week: A Guide to Traditions and Customs

In the Philippines, Holy Week is one of the most significant religious observances of the…

2 years ago

Classic Tinolang Manok Recipe

Tinolang Manok Recipe (Chicken Tinola) is a popular Filipino dish that has been enjoyed by…

2 years ago

This website uses cookies.