Blogs

7 na foodtrip tuwing tagulan!

Laging hanap ng mga pinoy ang foodtrip sa tagulan lalo na kapag sobrang lamig ng panahon hanap natin ang mainit pag-kain. Daig pa ng jowa mong cold sayo ang mga pagkaing ililista nmen rito! Ang mga pagkaing ito ay magbibigay init sa iyong katawan at bubusugin pa ang iyong tiyan!

Tara! Narito pitong (7) favorite foodtrip ng mga pinoy tuwing tag-ulan:

1. LUGAW / AROZ CALDO / GOTO

Wala nang intro-intro, una sa listahan ang napakasarap na LUGAW o AROZ CALDO.

Nakakabusog pa ito dahil ang pinaka sangkap nito ay Bigas o Rice. Samahan pa ng itlog, tokwa, at manok para mas lalong sumarap ang iyong Lugaw.

2. SINIGANG

Tila hindi nawawala sa hapag nating mga Pinoy ang foodtrip na Sinigang lalo na sa tagulan, dahil sa sangkap nitong tamarind or minsa’y bayabas, patok ito sa panlasa natin. May tamang asim, at linamnam ng karne, at ang maiinit na sabaw nito’y masarap kasama sa tag-ulan. SINIGANG RECIPE HERE

3. CHAMPORADO

Photo : Pareng Butoy

Kung hanap mo naman ay tamis sa malamig mong araw, cravings satisfied ka sa champorado! Dahil sa sangkap nitong Cocoa, at bigas na pinalapot na may kasamang gatas.

Tip: Kung gusto mo naman pagsabayin ang Tamis at Alat, pwedeng samahan ng tuyo ang iyong champorado.

4. PANDESAL, KAPE at PALAMAN

Mawawala ba ang all-time favorite ng bawat pamilya tuwing umaga? Hindi lang ito pang breakfast swak din itong combo na to tuwing umuulan! Pwede mong partneran ng masasarap na palaman tulad ng Peanut butter, Keso, Jam o marganire. Isaw-saw mo lang sa mainit na kape ang pandesal talaga namang mapapa-WOW ka sa sarap!

5. BEEF PARES

Pang lima sa aaming listahan ay ang BEEF PARES! Sakto sa rainy season ang foodtrip na to. Mainit na sabaw + malambot na beef briskets ay talaga namang uulit at uulit ka sa foodtrip na to. Here’s the recipe for BEEF PARES

6. BULALO

At syempre, mawawala ba ang BULALO?! pang anim sa listahan namin ang napaka sarap na bulalo. Sabaw palang talagang mawawala na ang lamig na nararamdaman mo sakanya (char!). Isa ang Tagaytay sa dinarayo kapag usapang bulalo dahil malamig ang klima roon kaya’t dumadayo ang mga turista roon para lang makahigop ng mainit na sabaw ng bulalo! Eto ang best bulalohan sa tagaytay : Top 11 Bulaluhan sa tagaytay

7. SOPAS

At ang huli at hindi natin pwedeng kalimutan, ang pinaka paborito nating noong tayo ay bata pa, niluluto ito ng mga nanay natin kapag malamig ang panahon! SOPAS! Aminin ninyo masarap ang sopas kapag pangalawang araw na, dahil sumiksik na ang lasa nito sa elbow macaroni! Swak na swak talaga to kapa tag-ulan.

Menkent M. Buhain

Recent Posts

Graham Bars Craze: The No-Bake Treat Captivating Everyone!

Photo by: Pinoy Style Recipe Graham Bars Craze are a fun and portable version of…

3 months ago

Street Food Sentation Diwata Pares, Arestado

MAYNILA -- Arestado ang food sensation na si Diwata Pares o Deo Balbuena sa totoong…

8 months ago

The Ultimate Guide to Building a Profitable Food Business in the Philippines (2024 Edition)

Introduction Welcome to "The Ultimate Guide to Building a Profitable Food Business in the Philippines…

11 months ago

Cooking up Tradition: The Best Chicken Adobo Recipe

Adobo is a popular dish in Filipino cuisine that has gained recognition worldwide. It is…

2 years ago

Top 12 Filipino Food to Eat During Holy Week: A Guide to Traditions and Customs

In the Philippines, Holy Week is one of the most significant religious observances of the…

2 years ago

Classic Tinolang Manok Recipe

Tinolang Manok Recipe (Chicken Tinola) is a popular Filipino dish that has been enjoyed by…

2 years ago

This website uses cookies.