Street Food Sentation Diwata Pares, Arestado

Street Food Sentation Diwata Pares, Arestado

MAYNILA — Arestado ang food sensation na si Diwata Pares o Deo Balbuena sa totoong buhay dahil sa isinampang slight physical injuries laban sa kanya noon pang 2018.

Ayon kay Pasay City police chief P/Col. Mario Mayames, Jr., ang warrant of arrest ay inusyu ni Pasay City Metropolitan Trial Court (MeTC) Judge Allan B. Ariola ng Branch 48 noon pang October 2, 2018 dahil sa kinakaharap nitong kasong slight physical injuries. Agad din namang nagpiyansa si Diwata sa halagang P3,000.

Ibinahagi rin ng Pasay PNP ang video kung saan kita ang ginawang pagbabasa nito ng karapatan sa inaarestong si Diwata.

Nitong nagdaang araw ay ibinandera naman ng kampo ni Coco Martin ang pagkakapili kay Diwata bilang bagong cast member ng “FPJ’s Batang Quiapo.” Gagampanan niya rito ang karakter ni Frida.

Nitong nakaraang linggo, muling nag-viral si Diwata nang magreklamo ang ilan sa kanyang paresan dahil sa matinding trapik na dulot ng kanyang tindahan sa daan patungo sa Senado.

Matapos inspeksyunin ng mga awtoridad sa Preston, lumabas na kulang sa mga permit ang kainan ni Diwata, kaya’t itinigil ang operasyon nito.

Sa pakiusap ni Diwata kay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, pinayagan siyang magpatuloy sa negosyo, ngunit kailangang kumuha ng mga permit sa loob ng dalawang buwan.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *