7 na foodtrip tuwing tagulan!
Laging hanap ng mga pinoy ang foodtrip sa tagulan lalo na kapag sobrang lamig ng panahon hanap natin ang mainit pag-kain. Daig pa ng jowa mong cold sayo ang mga pagkaing ililista nmen rito! Ang mga pagkaing ito ay magbibigay init sa iyong katawan at bubusugin pa ang iyong tiyan!
Tara! Narito pitong (7) favorite foodtrip ng mga pinoy tuwing tag-ulan:
1. LUGAW / AROZ CALDO / GOTO
Wala nang intro-intro, una sa listahan ang napakasarap na LUGAW o AROZ CALDO.
Nakakabusog pa ito dahil ang pinaka sangkap nito ay Bigas o Rice. Samahan pa ng itlog, tokwa, at manok para mas lalong sumarap ang iyong Lugaw.
2. SINIGANG
Tila hindi nawawala sa hapag nating mga Pinoy ang foodtrip na Sinigang lalo na sa tagulan, dahil sa sangkap nitong tamarind or minsa’y bayabas, patok ito sa panlasa natin. May tamang asim, at linamnam ng karne, at ang maiinit na sabaw nito’y masarap kasama sa tag-ulan. SINIGANG RECIPE HERE
3. CHAMPORADO
Kung hanap mo naman ay tamis sa malamig mong araw, cravings satisfied ka sa champorado! Dahil sa sangkap nitong Cocoa, at bigas na pinalapot na may kasamang gatas.
Tip: Kung gusto mo naman pagsabayin ang Tamis at Alat, pwedeng samahan ng tuyo ang iyong champorado.
4. PANDESAL, KAPE at PALAMAN
Mawawala ba ang all-time favorite ng bawat pamilya tuwing umaga? Hindi lang ito pang breakfast swak din itong combo na to tuwing umuulan! Pwede mong partneran ng masasarap na palaman tulad ng Peanut butter, Keso, Jam o marganire. Isaw-saw mo lang sa mainit na kape ang pandesal talaga namang mapapa-WOW ka sa sarap!
5. BEEF PARES
Pang lima sa aaming listahan ay ang BEEF PARES! Sakto sa rainy season ang foodtrip na to. Mainit na sabaw + malambot na beef briskets ay talaga namang uulit at uulit ka sa foodtrip na to. Here’s the recipe for BEEF PARES
6. BULALO
At syempre, mawawala ba ang BULALO?! pang anim sa listahan namin ang napaka sarap na bulalo. Sabaw palang talagang mawawala na ang lamig na nararamdaman mo sakanya (char!). Isa ang Tagaytay sa dinarayo kapag usapang bulalo dahil malamig ang klima roon kaya’t dumadayo ang mga turista roon para lang makahigop ng mainit na sabaw ng bulalo! Eto ang best bulalohan sa tagaytay : Top 11 Bulaluhan sa tagaytay
7. SOPAS
At ang huli at hindi natin pwedeng kalimutan, ang pinaka paborito nating noong tayo ay bata pa, niluluto ito ng mga nanay natin kapag malamig ang panahon! SOPAS! Aminin ninyo masarap ang sopas kapag pangalawang araw na, dahil sumiksik na ang lasa nito sa elbow macaroni! Swak na swak talaga to kapa tag-ulan.